Home NATIONWIDE DOTr pinagsabihan ni Chiz sa PUV modernization program: ’Walang maiiwan’

DOTr pinagsabihan ni Chiz sa PUV modernization program: ’Walang maiiwan’

Lantarang pinagsabihan ni Senate President Francis “Chiz” G. Escudero ang Department of Transportation na walang dapat maiiwan na drayber at operator sa implementasyon ng Public Transport Modernization Program.

Sa pahayag, sinabi ni Escudero na partikular dito ang lahat ng dumepensa sa operasyon ng dyip na kanilang natatanging pinagkakakitaan sa harap na tumataas na halaga ng pamumuhay.

Ayon kay Escudero, kahit may ilang drayber at operator na hindi sumunod sa panawagan ng DOTr na magsanib bilang isang cooperative o korporasyon nitong Abril 30,. 2024. Dapat kausapin pa rin ng pamahalaan ang grupo at wag isara ang pintuan.

“Sa gobyerno, wala tayong karapatan na mawalan ng pasensya. Keep your lines of communication open and find a middle ground that you can agree upon,” ayon kay Escudero sa pakikipagpulong nito sa opisyal ng DOTr sa pamumuno ni Secretary Jaime Bautista nitong Martes, September 17, 2024.

Ipinaabot ni Escudero sa DOTr officials ang alalahanin na Ipinalutang ng grupong PISTON at Manibela sa implementasyon ng PTMP, kabilang ang ibang PUV groups na nagsanib.

Isa sa pangunahing punto na Ipinalutang ng transport group kay Escudero ang valuation ng kasalukuyang jeepney na isasailalim sa “trade in” ng drayber at operator.

Partikular na inihayag ng PISTON ang kawalan ng desisyon mula sa DOTr hinggil sa halaga na sinabi ni Escudero na lubhang ipinag-aalala ng drayber at operator na lumalahok sa PTMP dahil malaki ang epekto ng valuation sa downpayment ng makabagong jeepneys.

“Under the PTMP, local government units (LGUs) are also required to come up with their respective Local Public Transport Route Plans (LPTRPs), but only a few have been able to comply,” ayon kay Escudero.

Inaasahan na matatapos ng DOTr ang kumpletong route plan sa pagitan ng 2026 hanggang 2027.

“Only 71 percent of all LGUs have been able to submit their LPTRPs and of those, only 11 percent have been approved by the DOTr,” ayon kay Escudero.

Isa pang option na ipinanukala ni Escudero na pag-aaralan ng DOTr ang posibilidad na payagan ang unconsolidated PUV groups na maging bahagi ng route o “to consolidate but not become part of the cooperative” dahil karamihan sa kanila ay ayaw maging bahagi ng naturang organisasyon.

“These issues must first be threshed out before the PTMP is implemented, specifically cracking down on the so-called colorum PUVs,” ayon sa senador.

Sa kaso naman ng PUV group na nagsanib, sinabi ni Escudero na pangunahin inaalala nito ang kakayahan nitong bumili ng modernong jeepney.

Aabot sa mahigit P2 milyon ang halaga ng bagong jeepney kaya kailangan ng tulong pinansiyal ng PUV driver at operator.

“DOTr should go out of its way to come up with ways to make financing for these modern jeepneys more accessible to them. We can extend the amortization period and offer low interest rates. Let’s make it easier for those who agreed to consolidation,” ayon kay Escudero.

“Government can come up with creative ways that will be acceptable to both the borrowers and the lending institutions,” giit niya.

Iminungkahi ni Escudero ang pag-iisyu ng financial instruments tulad ng government securities upang punan ang nalalabing halaga ng utang ng transport groups. “This way the banks can invest in GS to spur lending and at the same time they will make money from the interest offered by these instruments.”

“Let us roll out the red carpet for those who will participate in the program,” ayon kay Escudero. Ernie Reyes