Home NATIONWIDE Sarili “nilinis’ ni Bato sa isyu ng ex-PNP chief na tumanggap ng...

Sarili “nilinis’ ni Bato sa isyu ng ex-PNP chief na tumanggap ng suhol kay Alice Guo

126
0

MANILA, Philippines – Mabilis na nilinis ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang sarili sa paratang na may isang dating hepe ng Philippine National Police (PNP) ang tumanggap ng suhol kay Alice Guo upang makatakas ng bansa.

Sa pagpapatuloy na imbestigasyon ng Women, Children, Family Relations and Gender Equality na pinamumunuan ni Senador Risa Hontiveros, sinabi ni Dela Rosa, pangunahing nagpatupad ng war on drugs ng nakaraang administrasyong Duterte na hindi siya ang ating PNP chief na tinutukoy sa paratang.

Ibinulgar ni Pagcor senior vice president Raul Villanueva sa pagdinig ng isang dating PNP chief ang tumanggap ng milyong suhol sa grupo ni Alice Guo kasama sina Sheil at Wesley Guo upang makatakas ng bansa patungong Indonesia.

“Merong sinabi si Gen. Villanueva na meron daw isang former Chief PNP receiving a monthly payroll from you. Pwede bang malaman kung sinong former chief PNP? I am concerned because I am a former chief PNP. Baka mamaya merong lalabas na script diyan na si Bato ay tumatanggap ng pera galing sa’yo,” ayon kay dela Rosa, na nagtatanong kay Guo.

Pinabulaanan ng dismissed Bamban mayor ang alegasyon.

““Sigurado ka?” tanong dela Rosa.

“Sigurado po ako. Wala pong gano’ng nangyayari,” tugon ni Guo.

Sa puntong ito, inulit ni Dela Rosa kay Guo kung nakikilala niya nang personal ang dating hepe ng pulisya at kung nagkita na sila sa ilang pagkakataon.

Ayon sa pinatalsik na alkalde na Guo Huang Ping sa tunay na pangalan na hindi nito nakikilala nang personal ang senador at hindi pa sila nagkikita nang personal kahit kailan.

“Siniguro ko lang dahil baka mamaya may lalabas na script diyan na ako ‘yung former Chief PNP na tumatanggap sa’yo ng pera. Klaruhin ko lang ito,” ayon kay dela Rosa.

Ibinaling naman ni Dela Rosa ang kanyang tanong direkta kay Villanueva na kung sino ang dating PNP chief na tinutukoy nito.

“I don’t have any confirmation but I’m sure you’re not the one, I think so,” ayon kay Villanueva. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here