Home NATIONWIDE Double charging sa power supply inapela sa CA ng multi-sectoral group

Double charging sa power supply inapela sa CA ng multi-sectoral group

206
0

MANILA, Philippines – Naghain ng petition for certiorari sa Court of Appeals (CA) ang mga consumer at multi-sectoral group laban sa pag-apruba ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa power supply agreement ng Meralco at Excellent Energy Resources Inc (EERI).

Giit ng Power for People Coalition, nagkaroon ng tinatawag na “double charging” na aabot sa halos P933 milyon na dagdag pasanin sa mga konsyumer.

Ayon kay Gerry Arances, convenor ng grupo, wala sa interes ng mamamayan ang kontratang ito at malinaw na pinapaboran lamang ang mga malalaking kumpanya.

Dagdag pa ni Atty. Aaron Pedrosa ng Sanlakas, paglabag sa Electric Power Industry Reform Act o EPIRA ang hakbang ng ERC at nagbubukas sa monopolyo ng Meralco sa merkado.

Samantala, iginiit ni Luke Espiritu ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino na hindi aksidente ang ganitong uri ng pandaraya at dapat managot ang mga sangkot na opisyal at kumpanya.

Naghain ng petition for certiorari sa Court of Appeals (CA) ang mga consumer at multi-sectoral group laban sa pag-apruba ng Energy Regulatory Commission o ERC sa power supply agreement ng Meralco at Excellent Energy Resources Inc .o EERI

Giit ng Power for People Coalition, nagkaroon ng tinatawag na “double charging”  na aabot sa halos P933 milyon na dagdag pasanin sa mga konsyumer.

Ayon kay Gerry Arances, convenor ng grupo, wala sa interes ng mamamayan ang kontratang ito at malinaw na pinapaboran lamang ang mga malalaking kumpanya.

Dagdag pa ni Atty. Aaron Pedrosa ng Sanlakas, paglabag sa Electric Power Industry Reform Act o EPIRA ang hakbang ng ERC at nagbubukas sa monopolyo ng Meralco sa merkado.

Samantala, iginiit ni Luke Espiritu ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino na hindi aksidente ang ganitong uri ng pandaraya at dapat managot ang mga sangkot na opisyal at kumpanya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here