Manila, Philippines – Binenta ni Jason Marvin Hernandez, ex husband ni Moira dela Torre, ang gitarang naging bahagi ng pagmamahalan nila ng singer-composer.
Sinadya ni Jason ang opisina ni Boss Toyo para ipagbili rito ang naipundar niyang musical instrument.
Naitanong naman ni Boss Toyo kay Jason kung bakit nito naisipang ibenta ang tanging recuerdo na nag-uugnay sa kanila ni Moira.
Aminado naman si Jason na maraming alaala na nakapaloob sa kanyang gitara.
Sa nasabing musical instrument ay nabuo ang mga komposisyon nilang naging record busters.
Gayunpaman, dalawa raw ang rason kaya napagdesisyunan niyang i-let go ang gitara.
Una, gusto na raw niyang makapag-move on sa sinapit ng kanilang relasyon ni Moira.
Ikalawa, gusto raw niyang maging bahagi ng museum ng social media influencer ang gitara bilang ambag na ‘hugot’ instrument.
Pagbabahagi pa niya, may basbas daw ng ex-wife ang kanyang desisyon.
Tatlong milyon ang offer niya subalit hindi ito kinagat ni Boss Toyo.
Gayunpaman, nagkasundo sila sa counter offer ni Toyo na P450, 000. Archie Liao