Home ENTERTAINMENT Xia Vigor at Charles Law, magpapakilig sa bagong serye!

Xia Vigor at Charles Law, magpapakilig sa bagong serye!

373
0

Manila, Philippines – Aminado ang teen actress na si Xia Vigor na excited na siya dahil maipapalabas na ang kanilang TV series na  ‘Para sa Isa’t Isa’ na tinatampukan nina Krissha Viaje at Jerome Ponce.

Masayang pahayag ng magandang bagets, “Excited na po ako, kasi mahabang proseso po ang pinagdaanan bago nabuo kto dahil sa mga schedules po ng ibang casts na conflict sa shooting dates.

“Finally po, after nine years ay magtetelesrye ako ulit. Kasi ang last ko pa pong teleserye ay sa ABSCBN pa, iyong Langit Lupa.

“Sa Viva po kasi ay mga movie ang ginawa ko, kaya sa totoo lang po, nami-miss ko po talaga ang magteleserye.”

Dagdag pa ni Xia, “Ngayon naman po ay sa TV5 ako mapapanood, ito po ay sa September 13 na po, at 530pm.”

Sixteen years old na ngayon si Xia at isang ganap na dalagita na ang dating child star.

Nabanggit din sa amin ni Xia na noong una ay medyo naninibago siya dahil ito ang first time na natokahan siya ng role na may lovelife.

Aniya, “Parang may love life po ako rito, sister ako ni Kuya Jerome. Na may sarili akong buhay at iyong brother ko ay may sariling buhay din na may lovelife at ako rin po ay mayroon.

“Ito po ang first time na may role ako na may lovelife na, bale dalagita po ang role ko rito, first time kong naranasan iyong parang may love team na po.”

Mula sa pamamahala ni Direk Easy Ferrer, tampok din sa serye sina Andrea del Rosario, Charles law, Vandolph Quizon, Francis Magundayao, Paulo Angeles, Anna Luna, Bob Jbelli, Kelley Day, at Bobby Andrews.

Si Charles ang partner niya rito.

Ang viewers ba ay dapat mag-expect ng kilig moments sa kanilang dalawa?

Esplika ni Xia, “May mga pakilig na rin po sa role namin ni Charles dito. Ang interesting kasi po, sa una ay kaaway ko siya kaya may ganoon din pong twist.

“Ang galing po ng direktor namin, si Direk Easy, kasi ay pet project niya po ito. He loves time travel films, kaya makakaasa po ang viewers ni Direk Easy na he will create a masterpiece sa serye na ito!” Nakangiting pahabol pa ni Xia. Nonie Nicasio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here