MANILA, Philippines – Makikipag-ugnayan na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Anti-Money Laundering Commission (AMLC) para sa forfeiture ng assets at ma-freeze ang ari-arian ng mga sangkot sa maanomalyang flood control projects.
Sa press conference ngayong umaga ng Biyernes, Setyembre 12, tiniyak ni DPWH secretary Vince Dizon na hahabulin nila ang mga contractor sa likod ng mga ghost projects partikular sa lood control.
Aniya, kailangan maibalik ang pera ng tao na ninakaw sa kaban ng bayan.
Dagdag pa ni Dizon, hindi lamang pagnanakaw ng pera kundi malaki pa ang ibinigay na pinsala sa ating mga kababayan.
Samantala, kinumpirma rin ni Dizon na pipirmahan niya ngayong araw ang dismissal nina Brice Hernandez at JP Mendoza.
Sina Hernandez at Mendoza ay mga empleyado district engineering office ng Bulacan na dawit sa isyu ng maanomalyang flood control projects na iniimbestigahan ng parehong kapulungan ng Kongreso. Jocelyn Tabangcura-Domenden