CAUAYAN CITY, Isabela – Himas-rehas ang isang mister matapos mahuli sa pagbebenta ng walang kaukulang lisensya na baril sa isinagawang buybust operation ng Cauayan Component City Police Station sa P8, Municipal Housing, Brgy. San Fermin dito sa nasabing lungsod.
Sa ipinarating na ulat ni PLtCol. Avelino Canceran, hepe ng Cauayan Compnent City Police Station kay PCol. Lee Allen Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO, ang suspek ay kinilalang si alyas “Dagul” may asawa, manggagawa, nasa tamang edad at residente ng nabanggit na lugar.
Sa direktiba ni PLtCol. Canceran sa kanyang pangasiwaan ay pinamunuan ang ang nasabing operasyon katuwang ang Regional Intelligence Unit 2, Provincial Intelligence Team Isabela (PIT Isabela), RMU 2, at Provincial Intelligence Unit Isabela (PIU Isabela) sa isinagawang entrapment/buy-bust operation na nagresulta sa pagkakahuli ng naturang suspek.
Narekober mula sa pag-iingat ng suspek isang (1) unit cal. .22 revolver, kulay itim na may tatak na Smith & Wesson; siyam (9) piraso ng live ammunition ng kaparehong calibre; pitong (7) piraso ng cal. .45 live ammunition; isang (1) puting sobre; isang (1) piraso ng genuine ₱500.00 peso bill: limampu’t tatlong (53) piraso ng ₱500.00 boodle money; at tatlong (3) piraso ng ₱1,000.00 boodle money (buy-bust money), sa kabuuang halaga ay ₱30,000.00; isang (1) PhilHealth ID; at isang (1) unit nang itim na OPPO A16 Android phone na kabilang sa mga nasamsam.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sec 32, Article V ng RA 10591. REY VELASCO