MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) nitong Lunes na apat na regional directors at iba pang opisyal ang tinanggal sa kanilang mga pwesto habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Kinilala ni Dizon ang mga naalis na opisyal na sina;
Regional Directors
– Rehiyon 1 – Ronnel M. Tan
– Rehiyon 4A – Jovel G. Mendoza
– Rehiyon 5 – Virgilio C. Eduarte
– Rehiyon 7 – Danilo J. Villa
Assistant Regional Directors
– Rehiyon 4B – Neil C. Farala
– Rehiyon 5 – Annie S. Dela Vega
District Engineers
– Metro Manila 3rd District Engineering Office – Ruel V. Umali
– South Manila DEO – Manny B. Bulusan
Ang mga sumusunod naman na opisyal ng DPWH ay naalis sa puwesto dahil hindi nakasapat sa mga kwalipikasyon ng Civil Service Commission (CSC):
OIC District Engineers
– La Union 1st DEO – Sherylann Gonzales
– Iloilo City DEO – Roy Pacanan
– Leyte 4th DEO – Peter Scheller
Sinabi ni Dizon na nagpatupad ng reshuffle ang DPWH sa mga opisyal nito.
Samantala nagpasalamat din si Dizon sa mga bagong aplikante ng DPWH dahil sa kabila aniya ng kinakaharap na isyu ay mayroon pa ring nagtitiwala sa kagawaran.
Ito ay upang maipagpatuloy ang mga proyekto na matagal nang inirereklamo ng mga tao lalo na sa mga tulay, kalsada sa mga lugar mula Aparri hanggang Mindanao. Jocelyn Tabangcura-Domenden