Manila, Philippines – Naurirat ang isang psychic tungkol sa kapalaran ni Kathryn Bernardo ngayong 2026.
Bagama’t hindi nawawala sa mga balita noong nakaraang taon, hindi naman kasi naging ganoon kaaktibo ang aktres pagdating sa showbiz.
Katunayan, ang nagmarka lang na proyekto niya last year ay ang pagiging judge ng isang talent reality show.
Mas na-focused din ang curiosity ng mga nagmamarisol sa kanyang lovelife at sa romansa niya kay Lucena Mayor Mark Alcala.
Ayon sa nasabing psychic, napi-feel daw niya na masaya ang kasalukuyang estado ng puso ng aktres.
Ito ay kahit maraming bumabatikos o hindi boto sa kanilang relasyon.
Hirit pa niya, naba-vibes daw niya na maraming pasabog ang aktres ngayong Year of the Fire Horse so ito iyong time na magba-bounce back ang aktres.
Tungkol naman sa tambalan nila ni James Reid sa isang upcoming teleserye, aniya, hindi raw ito iyong tipong magiging super successful na tatanggapin o tatangkilikin ng mga kafaneyan.
Hirit pa niya, mismatched daw kasi ang dalawa kaya hindi ito magiging kasing-tagumpay ng collaborations nila sa kanilang previous love team partners. Archie Liao