Home NATIONWIDE DPWH maghahanap ng alternatibong paraan sa pagpapabilis ng EDSA rehabilitation

DPWH maghahanap ng alternatibong paraan sa pagpapabilis ng EDSA rehabilitation

203
0

MANILA, Philippines – Para mas mapabilis ang planong rehabilitasyon sa EDSA, maghahanap ng mga alternatibong paraan ang Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ito’y matapos na suspendihin ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang nakatakda sanang EDSA rebuild project na pinaglaanan ng P8.7 billion na pondo.

Sinabi ni Highways secretary Manuel Bonoan, na inatasan sila ng Pangulo na maghanap ng ibang paraan para hindi magtagal ang pagsasaayos sa EDSA.

Tinitignan din aniya nila ang ibang mga kagamitan o teknolohiya sa ibang bansa na kanilang magagamit para mapaikli ang panahon ng proyekto.

Hindi naman pabor si Bonoan sa mga mungkahi na maglagay ng 2nd level na kalsada sa EDSA dahil mas lalo pa itong matatagalan.

Isa sa kinokonsidera umano ng Pangulo sa pagsuspinde ng EDSA Rebuild Project ang posibleng mahirap na kalagayan ng mga motorista sa sandaling sinimulan na ang pagsasaayos. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here