Home NATIONWIDE DPWH naglunsad ng job fair kapalit ng mga korap na opisyal

DPWH naglunsad ng job fair kapalit ng mga korap na opisyal

143
0

MANILA, Philippines – Ikinatuwa ni Highways Secretary Vince Dizon na sa kabila ng kawalan ng tiwala sa DPWH ay nariyan pa rin ang sense of patriotism at ang kagustuhan ng mga kabataan na makilahok kahit napasama na ang reputasyon ng ahensya dahil sa kontrobersyal na flood control projects.

Sinabi ito ni Dizon sa isang media conference ng Samahang Plaridel nang mabanggit ang isinagawang job fair sa mga unibersidad sa bansa upang makapag-recruit ng mga bagong graduate at mga magtatapos na estudyante, bilang hakbang na palitan ang mga tiwaling opisyal at kawani sa ahensya.

Ayon kay Dizon panahon na upang kumuha ng mga bagong engineers, architects, at accountants.

“Kailangan repormahin na ang ahensya kasi dekada na ’yan eh. Ilang taon na ’yang binibilang nating kalokohan,” ani Dizon.

Ayon sa kanya, ang DPWH ay nagsagawa ng job fair sa Mapua, De La Salle University, Batangas State University, at Polytechnic University of the Philippines.

Umabot sa 700 ang nag-submit ng job applications sa Mapua noong Huwebes, habang nasa 500 naman sa ibang unibersidad.

Samantala, sinabi ni Dizon na ang papel ng DPWH sa imbestigasyon ng mga anomalya sa flood control projects ay ang pagtulong sa Ombudsman at Department of Justice. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here