MANILAS, Philippines – Sinita ng mga senador nitong Lunes ang dating regional director ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa MIMAROPA na si Gerald Pacanan dahil itinago niya ang kanyang mukha habang nagbibigay ng testimonya sa Senate Blue Ribbon Committee ukol sa anomalya sa flood control projects.
Dumating si Pacanan sa pagdinig na naka-white hooded jacket at dilaw na face mask, na nag-udyok sa mga mambabatas na tanungin ang dahilan ng pagtatakip.







