Home NATIONWIDE DPWH: Sa gitna ng EDSA rehab, Busway para lang sa bus

DPWH: Sa gitna ng EDSA rehab, Busway para lang sa bus

5
0

MANILA, Philippines – Mananatiling eksklusibo sa mga awtorisadong bus ang EDSA Busway habang nagpapatuloy ang rehabilitation works sa EDSA, paglilinaw ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Nilinaw ito ng ahensya matapos lumutang ang naunang pahayag na posibleng pansamantalang payagang dumaan ang private vehicles sa bus lane habang ginagawa ang pangunahing kalsada.

Ayon sa DPWH, ang private vehicles ay maaari lamang gumamit ng Lanes 1 hanggang 4 ng southbound EDSA sa loob ng dalawang linggo habang isinasagawa ang Phase 2 ng EDSA Rehabilitation mula Nepa Q-Mart sa Cubao hanggang Guadalupe.

Hindi kabilang dito ang dedicated EDSA Busway, na mananatiling para sa mga bus.

Patuloy ang asphalt overlaying works sa mga apektadong bahagi ng southbound EDSA tuwing gabi.

Dahil sa konstruksyon, may mga barrier na nakapuwesto sa second lane ngunit pinapayagan ang mga motorista na dumaan sa pagitan ng mga ito at gamitin ang naturang lane upang mabawasan ang pagsisikip ng trapiko.

Nakikipag-ugnayan din ang DPWH sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa pagpapatupad ng traffic management measures habang nagpapatuloy ang rehabilitation.

Naglagay na rin ng traffic signs sa mga apektadong lugar upang gabayan ang mga motorista.

Nauna namang tumutol ang Management Association of the Philippines (MAP) sa posibilidad na payagang gamitin ng private vehicles ang EDSA Busway.

Ayon sa grupo, ang dedicated bus lane ay idinisenyo upang unahin ang paggalaw ng mas maraming pasahero sa halip na dagdagan ang kapasidad para sa private vehicles. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here