MANILA, Philippines – Patay ang isang 6-anyos na batang babae matapos magulungan ng SUV habang naglalaro sa gilid ng kalsada sa Barangay 649, Baseco, Maynila.
Batay sa CCTV footage noong Oktubre 30, makikitang naglalaro ang bata sa gilid ng kalsada nang lumiko ang isang itim na SUV at mahagip siya.







