MANILA, Philippines – Isa sa nakikitang problema ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kawalan ng koordination sa iba’t-ibang institusyon para sa mga flood control projects na imbis makatulong ay mas lalong nakasama pa at nakadagdag sa problema, sinabi ni Highways secretary Vince Dizon sa nagpapatuloy na konsultasyon.
Kasama ni Dizon ang ibat-ibang eksperto at government agencies sa isinasagawang konsultasyon para talakayin ang flood and water management sa bansa.
Kabilang dito sina DENR Undersecretary and Water Resource Management Office, Chief, Dr. Carlos Primo David; Project NOAH Executive Director Dr. Mahar Lagmay; at ang Flood control system expert na si Dr. Guillermo Tabios III.
Ayon pa kay Dizon, maraming proyekto sa bansa pero ang problema — sa halip na makatulong ay nakadagdag pa sa problema at nagdudulot pa ito ng peligro dahil walang tamang koordinasyon sa mga nakaka-intindi sa water resource management at flood control.
Sa closedoor meeting, humingi si Dizon ng tulong sa mga eksperto at may nalalaman sa water resource maangement.
Nais ding malaman ni Dizon kung ano ang gagampanan o dapat gawin ng DPWH para masolusyunan ang malaking problema sa baha sa bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden