Home ENTERTAINMENT Willie, nagluluksa sa pagpanaw ng choreographer!

Willie, nagluluksa sa pagpanaw ng choreographer!

356
0

Manila, Philippines – Durog ngayon ang puso ni Willie Revillame–pumanaw kasi nitong ang matagal na niyang nakasamang choreographer na si Anna Feliciano.

Heart attack ang napaulat na cause of death ni Anna.

She was 65.

Nalagutan ng hininga si Anna sa isang pagamutan sa San Mateo, Rizal.

Naulila niya ang nag-lisang anak na si Rupert.

Taong 1984 nang magsimula ang career ni Anna bilang miyembro ng Solid Gold Dancers.

Kinalaunan, she tried acting on TV.

Kasama na niya noon pa si Willie sa programang Magandang Tanghali Bayan sa ABS-CBN.

Taong 2010 nang sumama si Anna sa paglipat ni Willie sa TV5 at 2015 naman sa GMA.

Huling pagkikita nina Willie at Anna ay nitong October 15 nang mag-ensayo sila’t mag-dry run para sa Wilyonaryo sa TV5.

Wala pang detalye sa ngayon ukol sa wake ni Anna.

Mula sa Remate Online, ang aming taospusong pakikiramay sa mga naulila ni Anna Feliciano. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here