Home NATIONWIDE DQ case vs Sen. Raffy tinuldukan ng SC

DQ case vs Sen. Raffy tinuldukan ng SC

MANILA, Philippines – Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyun ng nagpakilalang asawa ni Senador Raffy T. Tulfo na nais ma-disqualify si Tulfo sa nakalipas na May 2022 Elections.

Pinagtibay ng Supreme Court En Banc ang desisyun ng Commission on Elections’ (COMELEC) na i-dismiss ang disqualification case laban kay Tulfo.

Ayon sa Korte, malinaw sa Section 17, Article VI ng Konstitusyon ang magkakaibang trabaho pagdating sa election disputes. Anila, kapag ang nanalong kandidato ay naiproklama, nanumpa at nagsimula nang manungkulan, dito na matatapos ang hurisdiksyon ng COMELEC at saka magsisimula ang hurisdiksyon ng Senate Electoral Tribunal (SET).

Sinabi ng Mataas na Hukuman na ang SET ang may natatanging hurisdiksyon sa disqualification cases laban sa nanalong senatorial candidate.

“Senate Electoral Tribunal (SET) has exclusive jurisdiction over disqualification cases against a winning senatorial candidate who has been proclaimed, taken oath, and assumed office.”

Magugunita na isang buwan nago ang 2022 Elections, nagsampa ng petition for disqualification ang nagpakilalang tunay na asawa no Tulfo na si Julie Licup Pearson.

Ayon kay Pearson hindi nararapat tumakbo sa eleksyon si Tulfo dahil 1) nahatulan na ito sa kasong libelo na isang krimen na sangkot ang moral turpitude; 2) nilabag umano ni Tulfo ang election laws dahil sa iligal na pag-advertise ng kanyang kandidatura sa kanyang show na “Raffy Tulfo in Action.”

Umabot sa Supreme Court ang kaso laban kay Tulfo matapos ibasura ng Comelec ang petisyun nito.

“Pearson failed to timely file the appropriate case before the SET and cannot remedy this failure by invoking the Court’s certiorari powers.” Teresa Tavares