MANILA, Philippines- Mayroong hanggang June 30 ang Commission on Elections (Comelec) upang resolbahin ang disqualification petitions kung saan sinabi ni Chairman George Garcia na ang Task Force Baklas ay nagsampa ng mga kaso laban sa 50 kandidato dahil sa mga poster at campaign materials.
Ang mga kasong ito ay ipinara-raffle na sa iba’t ibang dibisyon ng Comelec.
Nilinaw ni Garcia na ang pagsasampa ng disqualification case ay hindi nangangahulugan ng automatic disqualification ng isang kandidato.
Ayon kay Garcia, inaasahan niya ang higit pang mga petisyon sa disqualification mula sa publiko sa araw ng halalan.
Nauna nang sinabi ng Comelec na may kapangyarihan itong magsuspinde ng proklamasyon ng nanalong kandidato sa midterm elections kung mayron silang pending disqualificaton cases anuman ang dahilan kaugnay sa kanilang pangangampanya at iba pang election offense.
Samantala, tiniyak ni Garcia sa publiko na ganap na handa ang poll body para sa pagsasagawa ng midterm polls habang maaga silang naghahanda para sa contingency measures.
Aniya, 100 porsyento na silang handa sa mga tuntunin ng final testing at sealing. Jocelyn Tabangcura-Domenden