Manila, Philippines- Pinag-uusapan ngayon ng mga chikadora ang diumano’y reaksyon ng mister ni Rufa Mae Quinto na si Trevor Magallanes kaugnay sa komento nito sa isang socmed follower.
Nagbahagi kasi ng throwback photos ang negosyante sa kanyang Instagram account.
Kabilang sa ibinahagi niya ay ang mga reel ng lumang litrato at video nilang mag-anak kasama ang anak nila ni Rufa Mar na si Athena Alexandria.
Dahil dito, may kafaneyan na nabuhayan ng pag-asa at naniwalang posible pa silang magkabalikan ng komedyana.
May nang-urot pa na kung puwedeng maayos ang gusot nilang dalawa for the sake of their daughter.
Reaksyon naman ni Trevor, “We are not back. I have no intention on having any other relationship with her than ex spouse.”
Dahil dito, marami ang nalungkot dahil itinatwa ni Trevor ang kanyang misis.
Nananatili namang tikom ang bibig ni Rufa Mae sa detalye ng marital conflict nila ng mister.
Matatandaang noong Disyembre nang nagdaang taon ay kinumpirma ni Trevor na tuloy na ang divorce process nila ng estranged wife.
Sey pa niya, ang tanging prayoridad daw niya ay ang makapaglaan ng oras para sa anak nilang si Athena. Archie Liao