MANILA, Philippines- Nagbabala ang tanggapan ni Kalookan Cardinal Pablo Virgilio David na ang sinasabing liham mula sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na nag-eendorso ng mga kandidato sa pagka-senador ay peke.
Sa isang post sa social media, nagbabala ang opisina ni David tungkol sa isang liham na kumakalat online na nagsasabing sinusuportahan ng CBCP ang mga kandidato. Ang mga kopya ng liham ay ipinadala rin sa mga news rooms, diumano ng CBCP Secretariat.
Hinimok din ang mga katoliko na iberipika ang impormasyon bago magbahagi at maging responsable at tumulong na matigil ang pagkalat ng disinformation.
Ang nasabing liham ay hindi lumabas sa CBCP website o CBCP News na kanilang news service.
Ang umano’y listahan ay may mga pangalan ng mga kandidato mula sa dominanteng paksyon na Alyansa Para sa Bagong Pilipinas at PDP-Laban at isang independiyenteng kandidato. Jocelyn Tabangcura-Domenden