Home NATIONWIDE DQ vs Bagong Henerasyon Party-list ibinasura ng Comelec

DQ vs Bagong Henerasyon Party-list ibinasura ng Comelec

238
0

MANILA, Philippines – Ibinasura ng Comelec First Division ang petisyon ng diskwalipikasyon laban sa Bagong Henerasyon Party-list at mga nominado nito.

Ayons sa tatlong pahinang desisyon ng Comelec, nakasaad dito na ang diskwalipikasyon ay bunsod ng pagkukulang ng petitioner na si Russel Stanley Geronimo sa pagsunod sa tamang proseso.

Dagdag pa ng Comelec, hindi umano personal na naipadala ng complainant ang kopya ng petisyon sa mga respondent at hindi rin nagsumite ng affidavit para ipaliwanag ito.

Kulang din ang dokumento ng Certificate of Nomination and Acceptance, dagdag pa ng Comelec. Ang mga ito ay mahalagang rekisito at basehan ng dismissal.

Ayon kay Comelec Chair George Garcia, maaaring maiproklama ang Bagong Henerasyon kapag naging pinal at epektibo na ang desisyon, pero maaari pa ring magsumite ng motion for reconsideration ang petitioner. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here