Home NATIONWIDE Gov’t agency heads isama sa balasahan, ‘di lang Gabinete – VACC

Gov’t agency heads isama sa balasahan, ‘di lang Gabinete – VACC

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na isama sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng courtesy resignation hindi lamang ang mga Cabinet secretary kundi pati na rin ang mga pinuno ng mga ahensya at GOCCs gaya ng PCSO, PAGCOR, Bureau of Customs, Bureau of Immigration, at PNP.

Ayon kay VACC President Arsenio Evangelista, paulit-ulit na nadadawit ang PCSO sa isyu ng katiwalian, kabilang na ang umano’y pagmamanipula ng resulta ng lotto.

Samantala, binatikos din niya ang PAGCOR sa pagpapabaya sa ilegal na POGO operations.

Aniya, dapat ring magbitiw ang mga ito para maisaayos ang pamahalaan.

Nauna nang nanawagan si Marcos ng courtesy resignation para sa recalibration ng administrasyon matapos ang halalan ngayong 2025. RNT