MANILA, Philippines – Idineklarang guilty sa reckless driving ang driver ng SUV na sangkot sa nakamamatay na aksidente sa NAIA Terminal 1, ayon sa Land Transportation Office (LTO).
Siya ay pinagmulta ng ₱2,000 at sinuspinde ang kanyang lisensya ng apat na taon—ang pinakamataas na parusang pinapahintulutan ng batas.
Hindi nagsumite ng pahayag ang driver upang ipagtanggol ang sarili.
Nahaharap din siya sa kasong kriminal na reckless imprudence na nagresulta sa homicide, sugat, at pinsala sa ari-arian.
Dalawa ang nasawi sa insidente, at ilang iba pa ang nasugatan.
Sinabi ng NAIA management na nire-review na nila ang seguridad sa drop-off area matapos ang insidente. RNT