Home METRO Drayber ng habal, pasahero dedo sa araro ng pickup

Drayber ng habal, pasahero dedo sa araro ng pickup

135
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang habal-habal driver at babae nitong pasahero sa isang hit and run incident sa M.C. Briones St., Barangay Jagobiao sa Mandaue City, madaling araw ng Linggo, Oktubre 6.

Ang habal-habal driver ay kinilalang si Richard Quiaot, 43 anyos at residente ng Paknaan sa Mandaue City, habang ang pasahero ay kinilalang si Nina Logarta, 54 anyos at residente ng Barangay Labogon, Mandaue City.

Sakay ang mga biktima ng motorsiklo nang araruhin ng nag-counterflow na pulang Toyota Hilux pickup.

Sa halip na huminto ay tumakas ang drayber at naiwan ang biktimang nakahandusay sa kalsada.

Inaalam pa ng pulisya kung sino ang drayber ng pulang Toyota Hilux pickup. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here