Pinaghahandaa ng men’s and women’s football team ng bansa ang paglahok sa mga pangunahin kompetisyon sa international stage.
Haharapin ng men’s national team sa Oktubre 11 hanggang 14 sa King’s Cup sa Thailand kung saan makakaharap nila ang host country, Tajikistan at Syria.
Samantala, ang Filipinas ay sasabak sa Pink Ladies Cup na gagawin mula Oktubre 26-30 kontra Jordan at Congo.
Kumpiyansa naman si men’s football team head coach Albert Capellas na magtatagumpay ang koponan ng bansa dahil sa matinding ensayo ang kanilang ipinakita.
Nakita nito ang malaking potensiyal ng mga manlalarong Pinoy dahil sa personal niya itong nag-scout sa kanila.
Ayon naman kay Filipinas head coach Mark Torcaso, makakapaglaro sila sa Asian Cup 2026 at World Cup 2027 kaya labis ang kanilang ginagawang paghahanda.