Home NATIONWIDE Drayber ng kotseng umararo sa mga sasakyan, pedestrian sa Noveleta, ipinatawag ng...

Drayber ng kotseng umararo sa mga sasakyan, pedestrian sa Noveleta, ipinatawag ng LTO

MANILA, Philippines – Ipinatawag ng Land Transportation Office (LTO) ang babaeng drayber na sangkot sa kamakailang insidente sa Noveleta, Cavite, kung saan inararo ng kanyang sasakyan ang iba pang sasakyan na ikinasugat ng lima katao.

Ayon sa mga awtoridad, nahimatay ang drayber pagkatapos ng insidente.

Sa kabila nito, iniimbestigahan ng LTO kung bakit paulit-ulit na humihinto ang sasakyan at biglang aarangkada dahilan para banggain nito ang ilang sasakyan, mga pedestrian, bahay, at maging ang barangay hall.

Pansamantala nang sinuspinde ang driver’s license nito habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Humingi rin ng paglilinaw ang LTO mula sa registered owner ng sasakyan upang makatulong sa imbestigasyon. RNT/JGC