MANILA, Philippines – Hindi binaligtad ng Court of Appeals (CA) ang pag-abswelto ng korte kay dating Senador Leila de Lima.
Nilinaw ni Department of Justice (DOJ) spokesperson Mico Clavano na ang naging basehan ng desisyOn ng CA ay ang posibleng nagawa na grave abuse of discretion ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) kaya pinagpapaliwanag ito sa merito kung bakit inabswelto si De Lima.
Ipinunto ni Clavano na hindi partido si De Lima sa desisyon ng CA kundi si Presiding Judge Abraham Joseph Alcantara ng RTC Branch 204 na nagpawalang sala kay De Lima.
Nilinaw ni Clavano na ibinalik lamang sa mababang korte ang kaso para magbigay linaw ito sa naging desisyon.
“It appears that her acquittal will remain in place for now. It is believed that the Regional Trial Court’s decision will maintain the status quo while the case is being heard at the Court of Appeals, because the congresswoman-elect has the remedy of filing a motion for reconsideration regarding that decision,” dagdag ni Clavano.
Binigyan diin din ni Clavano na malalabag din ang double jeopardy rule sa kaso ni De Lima dahil hindi siya maaaring mapanagot muli sa krimen kung siya ay naabswelto na.
Una nang nagdesisyon ang CA na ipawalang-bisa ang acquittal ni de Lima.
Sinabi ng 8th division ng appellate court na nabigo ang Muntinlupa RTC na partikular na ipaliwanag at isaad ang mga batas kung saan ibinatay ang pag-abswelto kay de Lima dahil lumalabas na ibinatay lamang ito sa pagbawi ng salaysay ng testigo na si Rafael Ragos.TERESA TAVARES