Home HOME BANNER STORY Drayber ng trak sa karambola sa Katipunan flyover naaresto na

Drayber ng trak sa karambola sa Katipunan flyover naaresto na

161
0

MANILA, Philippines- Naaresto na ng pulisya ang drayber ng 10-wheeler closed van na nasangkot sa karambola sa Katipunan flyover sa Quezon City.

Ayon kay Quezon City Police District information chief, Maj. Jennifer Gannaban, inaresto ang suspek na si Richard Mangupag, sa kanyang tirahan sa
Barangay UP Campus, Quezon City bandang 1:30 ng madaling araw ng Biyernes, Disyembre 6.

Ani Gannaban, mahaharap ang suspek sa mga reklamong multiple physical injuries at multiple homicides.

Matatandaan na tumakas si Mangupag matapos ang insidente bandang 6:55 ng gabi sa northbound lane ng Katipunan flyover.

Sa ulat, pumalya ang preno ng trak na minamaneho ni Mangupag na nagresulta sa pagkasawi ng apat na katao at pagkasugat ng 30 iba pa.

Sangkot sa karambola ang isang van, bus, L300 van, limang kotse at 16 motorsiklo.

“The crash caused significant disruption, with debris scattered across the area and traffic completely halted,” sinabi pa sa report.

Dinala sa iba’t ibang ospital ang mga sugatang pasahero. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here