MANILA, Philippines – Patay ang isang 20-anyos na estudyante habang sugatan ng apat nitong kasamahn na pawang estudyante rin nang bumangga ang minamanehong sasakyan sa isang concrete post matapos itong nag-overtake sa isang kurbadang daanan sa Brgy. Pasong Langka, Silang, Cavite
Kapwa isinugod sa Ospital ng Tagaytay ang mga biktimang kinilala na si Raven Sortejas y Digo, 20, estudyante ng Brgy. Pasonglangka, Silang Cavite, ang driver ng sasakyan; Ronian Palanganan y Dichihon, 19 ng West, Tagaytay City, Cavite; Francis Capiliy Maguinao, 20 ng Iruhin Central, Tagaytay City, Cavite; Vincent Songaben y Parina, 18 ng Iruhin West, Tagaytay City, Cavite at Mark Angelo Digo y Abuda, 19 ng Iruhin West, Tagaytay City, Cavite subalit namatay habang ginagamot si Sortejas.
Sa ulat, minamaneho ni Sortejas ang isang Honda Civic Sedan na may plakang UKT 767 habang binabagtas ang South direction patungo sa North direction ng Sta Rosa Laguna bandang alas-2:00 kamakalawa ng madaling araw nang pagsapit sa isang kurbadang bahagi ng kalsada sa Sta Rosa-Tagaytay Road sakop ng Brgy Pasonglangka, nang tinangka ng driver na mag-overtake sa isang pang sasakyan.
Dahil umano sa bilis ng pagmamaneho, hindi nakontrol ng drayber ang kanyang manibela at bumangga sa isang konkretong poste sa harapan ng Roren Pest Control Services.
Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang apat na sakay nito sa kalsada habang ang driver at naipit sa driver seat dahilan ng kanyang malalang sugat.
Lumabas sa ginawang imbestigasyon ng pulisya na pawang nakainum umano ang mga biktima. Margie Bautista