Home METRO Drayber patay sa gitgitan ng van sa QC

Drayber patay sa gitgitan ng van sa QC

212
0

MANILA, Philippines – Nasawi ang drayber ng isang van nang sumalpok ang minamaneho nito sa likod ng isang trak sa Quezon City.

Sa impormasyon, may nakagitgitan pang isang van ang biktima bago ito tuluyang maaksidente.

Nakunan sa CCTV ang dalawang van na mabilis ang takbo.

Nagawang makaiwas ng isang van sa isang trak ngunit bumangga ang isa pa sa mga ito.

Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang drayber ng bumanggang van dahil sa tindi nang pagkakasalpok at pagkakaipit nito.

Ayon sa katrabaho ng nasawing drayber, sa Mindanao Avenue pa lamang ay nagkagitgitan na ang dalawang van hanggang sa humantong sa habulan, at tuluyang bumangga sa likod ng trak ang isa sa mga ito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here