Home METRO Drayber patay sa pagsalpok ng SUV sa trailer truck

Drayber patay sa pagsalpok ng SUV sa trailer truck

MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki nang bumangga sa isang trailer truck ang minamaneho nitong SUV sa kahabaan ng Mel Lopez Boulevard malapit sa Moriones St Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon ng Manila DistrictTraffic Enforcement Unit Vehicle Traffic Investigation Section, alas-8:30 ng umaga nitong Lunes, Hulyo 8 nang mangyari ang insidente.

Binabaybay ng Mitsubishi Xpander Cross na may plakang NGX 5776 na minamaneho ng hindi nakilalang lalaki , malaki ang katawan, nasa edad 40 hanggang 50, nakasuot ng striped polo ang northbound ng Mel Lopez Blvd nang pagsapit sa kanto ng Moriones St, ay mabangga nito ang likurang bahagi ng isang trailer truck.

Minamaneho ni Jomar Generaldo y Tahud, ang Tractor Head na may Trailer at may plakang AAR 2235 nang mangyari ang aksidente.

Napag-alaman na nakahinto ang trailer truck sa nasabing kalsada kaya sa lakas ng impact, ang biktima ay nagtamo ng matinding pinsala na nagresulta ng agaran niyang pagkamatay.

Bukod dito, nayupi rin ang harapang bahagi ng kanyang minamanehong SUV.

Iniimbestigahan na ng Traffic Enforcement Unit ang driver ng trailer truck. Jocelyn Tabangcura-Domenden