Home METRO Drayber sinita, traffic enforcer sinagasaan, patay!

Drayber sinita, traffic enforcer sinagasaan, patay!

CAVITE – Patay ang isang traffic enforcer makaraang sagasaan ng  driver ng isang pampasaherong bus matapos itong sitahin dahil sa paglabag sa batas trapiko sa kahabaan ng Aguinaldo Highway Palapala, Brgy Sampalok, Dasmarinas City Cavite

Ayon sa nakalap na report, kinilala ang biktima na si Alfredo Datoon, miyembro ng Traffic Management Unit ng Dasmarinas City, Cavite.

Naaresto naman ng pulisya ang suspek na si alyas Rollie, driver ng Erjhon & Almark bus na may plakang UMN 117 at residente ng Brgy Galicia 2, Mendez, Cavite.

Batay sa ginawang imbestigasyon ni PMSG Richard Domingo ng Dasmariñas CPS bandang alas-2:00 ng hapon ng Hulyo 4, nang naganap ang insidente kung saan nagmamando ng trapiko ang biktima sa tapat ng Robinson’sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Pala-Pala ng nasabing lugar.

Napag-alaman ng sinita ng biktima ang driver ng bus kaugnay sa bawal na pagsasakay at pagbababa ng pasahero habang nakatigil sa nasabing highway.

Subalit sa halip na sumunod ang driver ay mabilis nitong umarangkada hanggang sa nakaladkad at tuluyang pumailalim ang biktima na naging sanhi ng agarang ikinamatay nito.

Nahaharap ang suspek at driver ng bus sa kasong Reckless Imprudence in Resulting to Homicide. Margie Bautista