Home METRO Drayber, utas sa pamamaril sa loob ng jeep

Drayber, utas sa pamamaril sa loob ng jeep

231
0

BATANGAS, Philippines – Patay ang isang Jeepney driver matapos pagbabarilin habang nakaupo sa loob ng jeep sa Brgy. 6 Lipa City, Batangas.

Dead on the spot ang biktima na kinilalang si alyas Edwin, 47 anyos, driver, residente ng Brgy. San Antonio, Quezon.

Mabilis namang tumakas ang suspek na nakilala sa alyas na Ramil, residente ng Brgy. Tangob, Padre Garcia, Batangas.

Sa ulat ng pulisya, alas-3:40 ng hapon ng maganap ang insidente habang ang biktima ay nakaupo sa loob ng Jeep ng kasamahan nitong driver at may kausap sa cellphone.

Nang dumating ang suspek na may bitbit na maiksing baril, sunud-sunod na pinagbabaril ang biktima sa ulo at iba’t-ibang bahagi ng katawan nito.

Duguang bumulagta ang biktima habang mabilis na tumakas ang suspek. Agad naman itong naitakbo ng kasamahan nitong driver sa pagamutan subalit idineklarang dead-on-arrival sa dami ng balang bumaon sa ulo at katawan nito.

Patuloy ang manhunt operation ng pulisya’ sa suspek na tumakas matapos ang isinagawang krimen. MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here