Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Road Safety Month, inilunsad ng Metro Pacific Tollways South (MPT South) ang kanilang pinakabagong road safety advocacy campaign na pinamagatang “Drayberks: Ready 4 Safety”, na layong itaguyod ang ligtas na pagbiyahe sa mga pangunahing kalsada sa bansa.
Ginawa ang ceremonial launch sa Golden Phoenix Hotel sa Pasay City na dinaluhan ng mahigit 100 stakeholders mula sa pribado at pampublikong sektor. Katuwang sa aktibidad ang ilang ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Transportation (DOTr), Toll Regulatory Board (TRB), Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), PNP Highway Patrol Group Region IV-A, Philippine Reclamation Authority (PRA), at PEA Tollway Corporation (PEATC).








