Home SPORTS Dream PH women national volleyball team, bubuuin

Dream PH women national volleyball team, bubuuin

NAKATAKDANG magsagawa ng tryouts ang Alas Pilipinas Women upang mabuo ang pambansang koponan ng volleyball na lalaban sa AVC Challenge Cup, SEA V.League, at Southeast Asian Games ngayong 2025.

Ayon kay Ramon Suzara, pangulo ng Asian Volleyball Confederation (AVC) at executive vice president ng International Volleyball Federation (FIVB), de-kalibreng mga atleta mula sa PVL, mga unibersidad, at ibang bansa ang napili para sa pagsasanay.

Pinangungunahan ni Brazilian head coach Jorge Edson Sauza de Brito ang tryouts, na ang iskedyul at lugar ay iaanunsyo sa mga susunod na araw.

Sa loob ng taong ito, sasabak ang Alas Pilipinas Women sa 6th AVC Challenge Cup for Women (Hunyo 8-15), 5th Southeast Asian V. League (Hulyo 25-27 at Agosto 1-3), at 33rd Southeast Asian Games sa Thailand (Disyembre 7-19).

Kabilang naman sa mga iimbitahang manlalaro ang mga sumusunod:

Setters: Angelique Alba, Tia Andaya, Julia Coronel, Jia de Guzman, Camila Lamina

Liberos: Dawn Catindig, Justine Jazareno, Jennifer Nierva, Hannah Stires (USA)

Opposite Spikers: Tots Carlos, Shevana Laput, Faith Nisperos, Alyssa Solomon, Eli Soyud

Outside Hitters: Mhicaela Belen, Evangeline Alinsug, Angel Canino, Vanessa Gandler, Eya Laure, Alleiah Malaluan, Arah Panique, Glaudine Troncoso, Brooke Van Sickle, Shaina Nitura, Savannah Davidson

Middle Blockers: Thea Gagate, Clarisse Loresco, Madeleine Madayag, Del Palomata, Jeanette Panaga, Jana Philips, Amie Provido, Fifi Sharma

Samantala, sa pagbubukas ng tryouts, umaasa ang Alas Pilipinas Women na mabuo ang isang matatag na koponan na kayang makipagsabayan sa international stage at magbigay ng karangalan sa bansa. GP