Home HOME BANNER STORY 2 Thai national timbog sa armas, granada, surveillance equipment sa Munti

2 Thai national timbog sa armas, granada, surveillance equipment sa Munti

MANILA, Philippines – Dalawang Thai nationals, ang inaresto ng Southern Police District (SPD) sa Muntinlupa noong Marso 27 matapos mahulihan ng mga baril, granada, at surveillance equipment.

Ang mga suspek, na kinilalang sina Sorawit (32) at Nakorn (38), na naninirahan sa Bacoor, Cavite, ay nahuli sa Biazon Road, Barangay Poblacion, ay nasakote matapos magsumbong sa pulisya ang kanilang inupahang driver.

SPD5.jpg

Ayon sa driver, sinubukan niyang umalis ngunit pinilit at tinakot ng dalawa, kaya’t tumawag siya nang palihim sa SPD District Intelligence Division (DID).

Nasamsam sa kanila ang dalawang .45-caliber na baril, dalawang magasin, 16 na bala, isang fragmentation grenade, tatlong cellphone, Thailand passport, mga ID, sasakyan, at surveillance equipment tulad ng system unit, power supply, router, at drone.

SPD.3jpg.jpg

SPD7.jpg

Sinusuri ito ng mga eksperto upang alamin kung ginamit sa espiya o ilegal na intelihensiya.

Nahaharap ang dalawa sa kaso ng paglabag sa election gun ban dahil sa kawalan ng kaukulang dokumento sa mga baril o Comelec exemption.

Ayon kay SPD chief Brig. Gen. Manuel Abrugena, ang operasyong ito ay patunay ng kahalagahan ng pagbabantay ng komunidad at mabilis na aksyon ng intelligence team, lalo na’t malapit na ang halalan. RNT