Home METRO Driver kulong sa bitbit na ‘bato’, patalim sa piitan

Driver kulong sa bitbit na ‘bato’, patalim sa piitan

BACOLOD- Shoot sa kulungan ang isang truck driver na bumisita sa kanyang tiyuhing nakakulong sa Talisay City Jail matapos makuhanan ng hinihinalang shabu at patalim, iniulat kahapon sa lungsod na ito.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa illegal possession of dangerous drugs ang 34-anyos na suspek na hindi pinangalanan.

Ayon kay Jail warden Chief Insp. Kevin Bonilla, nagsasagawa ng inspeksyon ang jail guard sa mga bisita noong Sabado, nang makuhanan ng 0.05 gramo ng shabu ang suspek sa kanang bulsa nito na nagkakahalaga ng P340 at habang nasa gitna ng pagsisiyasat, nadiskubre rin ang dalawang patalim sa tsinelas nito.

Sinabi ni Bonilla na unang beses binisita ng suspek ang kanyang tiyuhin sa piitan na nahaharap sa kasong paglabag sa illegal drugs. Mary Anne Sapico