MANILA, Philippines- Isang 40-anyos na construction worker ang namatay makaraang pagbabarilin ng isang loader operator nang magtalo dahil sa larong pool habang nag-iinuman sa Silang, Cavite.
Isinugod pa sa ospital ang biktima na si Joseph Sanchez y Furog, binata, stay-in sa construction site, subalit namatay habang ginagamot dahil sa tama ng bala sa katawan.
Pinaghahanap naman ang suspek na si alyas Ivan, isang loader operator ng Brgy. Yakal, Silang, Cavite na tumakas matapos ang pamamaril.
Sa ulat, nag-iinuman ang biktima at suspek sa loob ng Goldkey Construction Site sa Brgy. Maguyam ng nasabing lugar habang naglalaro ng pool, nang magkainitan hanggang sa humatong sa pagtatalo hanggang sa kumuha ng hindi nabatid na kalibre ng baril ang salarin at ipinutok sa biktima.
Nagsasagawa naman ng hot pursuit operation ang pulisya para sa ikadarakip ng suspek. Margie Bautista