Home METRO Driver ng garong patay sa suwag ng motorsiklo

Driver ng garong patay sa suwag ng motorsiklo

PANGASINAN- Kamatayan ang sumalubong sa 37-anyos na driver ng Garong (motorcycle with sidecar) matapos bumangga sa motorsiklo sa Brgy. Bantayan, Mangaldan ng lalawigang ito kaninang 1:45 ng madaling-araw, Nobyembre 5.

Ayon sa mga otoridad, ang driver ng Garong ay isang lalaki, may asawa, residente ng Aluleng, Nalvo, Pangasinan samantalang ang driver Suzuki Raider 150 motorcycle ay isa rin lalaki na residente ng Brgy. Navaluan, Mangaldan, Pangasinan.

Sa imbestigasyon, ang dalawang sasakyan ay parehong bumibiyahe sa national highway sa naturang lugar.

Papunta ng timog na direksyon ang Garong samantalang ang motorsiklo naman ay papunta ng kabilang direksyon.

Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, ang drayber ng motorsiklo ay nawalan ng kontrol sa manibela ng kanyang sasakyan kaya na-overshoot ito at nasakop nito ang lane ng Garong na nagresulta sa banggaan ng dalawang sasakyan.

Parehong sugatan ang dalawang driver na agad na isinugod sa ospital ng rumespondeng municipal ambulance.

Gayunman, ang driver ng Garong ay idineklarang dead-on-arrival samantalang naka-confine pa rin sa ospital ang driver ng motorsiklo. Rolando S. Gamoso