Home METRO Driver ng kulong-kulong utas sa suwag ng SUV

Driver ng kulong-kulong utas sa suwag ng SUV

225
0

ILOCOS SUR, Philippines – Hindi nakaligtas sa kalawit ni kamatayan ang isang 56-anyos na lalaki matapos bumangga ang minamaneho nitong motorcycle with sidecar (kulong-kulong) sa isang SUV sa national highway sa Brgy. Sabuanan, Sta. Lucia ng lalawigang ito kahapon ng umaga.

Ayon sa Sta. Lucia MPS, ang driver ng kulong-kulong ay residente ng Brgy. Alingcaoeg ng naturang bayan samantalang ang 43-anyos na lalaking driver ng Honda CR-V ay residente naman ng Brgy. San Pedro, Candon City, Ilocos Sur.

Base sa CCTV footage, ang SUV ay papuntang hilagang direksyon samantalang ang motorcycle with sidecar na napakabilis ang takbo ay papunta naman sa kabilang direksyon.

Pagdating sa pinangyarihan ng insidente ay nasakop ng motorcycle with sidecar ang lane ng SUV na nagresulta sa banggaan ng dalawang sasakyan.

Dahil dito, ang driver ng kulong-kulong ay nagtamo ng head injury at sugat sa iba’t ibang parte ng katawan.

Isinugod sa ospital ang driver ng kulong-kulong ngunit hindi na nagawang isalba pa ng umatending doktor.

Hindi naman nasaktan sa naturang insidente ang driver ng SUV. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here