Home METRO Pagpapaliban sa BSKE, titintahan ni PBBM; BARMM polls tututukan

Pagpapaliban sa BSKE, titintahan ni PBBM; BARMM polls tututukan

214
0

NAKATAKDANG lagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang batas na magpapaliban sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) para pahintulutan ang Commission on Elections (Comelec) na mag-pokus sa first-ever regular parliamentary polls sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa pagsasalita sa Philippine media delegation matapos ang kanyang five-day state visit sa India, binigyang diin ng Pangulo ang makasaysayan at itinuturing niyang ‘critical nature’ ng BARMM elections.

Ito kasi ang pagkakataon para sa mga first time voters sa rehiyon na direktang ihalal ang kanilang parlyamento.

“You have to remember, the BARMM election is the first time we would ever have this kind of election at all. Sa buong kasaysayan ng Pilipinas, hindi pa nagkaroon ng BARMM parliament na hinalal ng tao,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“If that election fails, malaking failure ‘yan sa peace process. Kaya’t kailangang-kailangang maging matagumpay ang pagganap ng halalan ng BARMM,” aniya pa rin.

Mismong ang Comelec aniya ang nagrekumenda na ipagpaliban ang BSKE, tinukoy ang limitadong kakayahan na hawakan kapuwa ang barangay polls at ang BARMM parliamentary elections.

Winika ng Pangulo na ang pagpapaliban sa BSKE elections ay hindi paglabag sa kapasyahan ng Korte Suprema laban sa pagpapaikli sa termino ng mga barangay officials bagkus, sa kasong ito, ito nga ay palalawigin pa.

“On the Supreme Court decision that we cannot shorten the term of the barangay officials, we’re actually lengthening. That’s not in conflict,” ayon sa Pangulo.

Samantala, sinabi ni Pangulong Marcos na ang nasabing desisyon ay “most sensible course of action’, lalo pa’t katatapos pa lamang ng midterm elections sa bansa at ang nakatakdang pagdaraos ng BARMM elections. /Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here