Home METRO Driver ng motor, tigok sa banggak ng traysi

Driver ng motor, tigok sa banggak ng traysi

291
0

MANILA, Philippines – Isang 22-anyos na binata ang namatay makaraang banggain ng minamanehong motorsiklo ng isang tricycle sa Tanza, Cavite.

Sa report, isinugod pa sa Divine Grace Medical Center ang biktimang si alyas Lawrence ng Brgy. Punta 1, ng nasabing bayan, subalit hindi na ito umabot ng buhay dahil sa tinamong sugat sa katawan.

Hawak na ng pulisya ang driver ng isang kulay-itim na tricycle na si Rusi Macho, na may plakang 505XSB, alyas Boni.

Ayon kay Arava Avelzor Visitacion, Punong Tanod ng Brgy. Bucal, Tanza, habang sakay siya ng kanyang motorsiklo at kasunod ang minamanehong motorsiklong kulay gray na Suzuki Raider ni alyas Lawrence, kapwa bumabaybay sa Barangay Road, Brgy. Bagtas, Tanza, patungong direksyon ng Vista Mall, ay mapansin niya ang minamanehong tricycle ni alyas Boni na mabilis ang takbo at pa-sway-sway mula sa kasalungat na direksyon.

Bigla umanong pumasok ang tricycle ni alyas Boni sa linya ni Avelzor, ngunit agad niyang nailiko ang kanyang motorsiklo upang makaiwas sa banggaan; gayunman, nabangga nito ang motorsiklo ni alyas Lawrence.

Bunga ng insidente, nagtamo ng pinsala sa unahang bahagi ang motorsiklo ni Lawrence kaya dinala sa ospital subalit idineklarang dead on arrival.

Naganap ang insidente bandang alas-8:30 ng gabi kamakalawa.

Samantala, nagtamo rin ng pinsala si alyas Boni at dinala sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital. Margie Bautista

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here