Home HOME BANNER STORY Tipo-Tipo, Basilan, inatake ng armadong grupo

Tipo-Tipo, Basilan, inatake ng armadong grupo

326
0
Nur Khan Istarul/Facebook

TIPO-TIPO, Basilan — Inatake ng armadong grupo ang bayan ng Tipo-Tipo sa Basilan, kung saan pinaghihinalaang suportado ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang nasabing pag-atake, ayon sa lokal na pamahalaan.

Dahil dito, suspinde ang lahat ng klase, gawain ng gobyerno, at aktibidad pang-ekonomiya hanggang sa karagdagang abiso.

“Tipo-Tipo under siege by lawless elements backed by MILF,” ayon sa post ng LGU sa Facebook.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling ligtas at mag-ingat.

Kinumpirma naman ng Philippine Army ang insidente at kasalukuyang iniimbestigahan ang mga detalye sa lugar.

“We assure the public that the Philippine Army is on top of the situation. Our troops have been deployed to secure the area and ensure the safety of the residents,” ani Colonel Louie Dema-ala, tagapagsalita ng Army.

Patuloy din ang koordinasyon ng militar sa LGU at iba pang security agencies upang maibalik ang normal na kalagayan at matugunan ang pangangailangan ng mga apektadong komunidad. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here