Home OPINION DROGA, IMPEACHMENT AT HONORABLE CONGRESSMEN

DROGA, IMPEACHMENT AT HONORABLE CONGRESSMEN

331
0

TOTOO kaya ang akusasyon ni Senator Imee Marcos na adik ang kapatid niya at ating Pangulo na si Bongbong Marcos?

Nahati ang taumbayan at maging ang pamilya nina Marcos mismo rito at mga lider ng bansa.

May mga naniniwala na totoo habang may nagpapasinungaling naman dito.

Siyempre pa, pangunahing nagpapasinungaling sa paratang ni Manang Imee si Pangulong Bongbong mismo at pwedeng saksi niya ang nag-drug test sa kanya na mga taga-St. Luke’s Hospital.

Paano naman kung higit na kapani-paniwala ang sinasabi ni Manang Imee kaysa pagpapabulaan ng Pangulo at mga kabig niya?

Ito’y dahil miyembro mismo ng pamilya ng Pangulo si Manang Imee.

At sa mga miyembro ng pamilya, walang maitatago.

Kabisado ni Manang Imee ang buong kasaysayan ng paratang niya dahil naging aktibo siya sa pagtutuwid sa kanyang kapatid mula sa pagkabinata nito hanggang sa mag-asawa ito, magkaanak at maging Pangulo ng Pilipinas.

Hindi ordinaryong saksi si Manang Imee dahil mula ulo hanggang paa, kilala niya ang kanyang kapatid.

Dahil dito, masasabi nating hindi na kailangan na ipanotaryo niya ang nilalaman ng kanyang pahayag para maging kapani-paniwala at titindig bilang ebidensya sa korte…kung sakaling may mang-impeach sa Pangulo.

Teka nga pala, bakit walang kumikilos sa Kamara para imbestigahan nang may due process hanggang sa magkaroon ng kasong impeachment, kung pupwede, ang Pangulo habang mabilis ang mga ito laban sa iba?

Sa Article 11, Section 2 ng 1987 Constitution, isa sa mga batayan ng impeachment ang “other high crimes” at “betrayal of public trust”.

Ang paggamit ba ng cocaine at marijuana na mahigpit na ipinagbabawal ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ay hindi high crime o betrayal of public trust, lalo’t ang Pangulo ang isinasangkot dito?

Nakapagtataka na wala man lang sinoman sa Kamara ang interesadong mag-imbestiga, kahit pakonswelo de bobo man lang.

Anyare, your Honors?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here