Home OPINION KAPANGYARIHAN NG SARILING WIKA

KAPANGYARIHAN NG SARILING WIKA

329
0

MAKAPANGYARIHAN ang paggamit ng sariling wika.

Sa Pilipinas, nagkakaintindihan ang lahat sa paggamit ng Pilipino.

Madali, kaagad ang pagkakaintindihan.

Hindi kailangan ang interpreter o pagsasaling-wika ng iba.

Mula Luzon at Visayas hanggang Mindanao, nagkakaintindihan lahat.

Bibihira na lang, karaniwang mga may edad, ang hirap sa pag-intindi o pag-unawa sa Pilipino.

Maging ang maraming dayuhan, nakaiintindi rin, lalo na sa parte ng mediamen at mga opisyal at empleyado ng mga embahada at konsuladong dayuhan.

Kaya hindi lang sa bansa nakakalat ang balita kundi maging sa buong mundo.

USAPANG DROGA

Sumabog na parang bombang nukleyar ang usapang korapsyon sa mahal kong Pinas nang sa ikalawang araw ng Iglesia ni Cristo rally para sa Transparency at Demokrasya ay nasingit ang usapang droga.

Mismong si Senator Imee Marcos ang nagpasabog ng usapang droga at nakapangingilabot ang paghahayag nitong ang kapatid niyang Presidente ng bansa, si Bongbong Marcos, ay adik sa cocaine at marijuana na lubos at mahigpit na ipinagbabawal ng batas natin – ang Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon sa batas na ito, mga Bro, kung may final conviction mula sa korte at may sapat na edad ang user, heto ang mga parusa.

Sa unang offense o pagkakasala, may mandatory o sapilitang rehabilitasyon o panggagamot sa anim na buwan bilang minimum na panahon.

Kapag umulit ang user, mabibilanggo na ito sa loob ng 6 buwan at 1 araw hanggang 12 taon at hindi na awtomatikong magkaroon ng panggagamot, bagama’t pupwede pa ring itong iutos ng korte.

Kapag isang opisyal ng gobyerno ang mapatunayang nagkasala sa pagiging adik o lulong sa droga, awtomatikong habambuhay na madidiskwalipika sa anomang opisina ng gobyerno at kung propesyunal naman, awtomatiko ring matanggalan ng lisensya.

Kaya naman, gayun na lamang kaseryoso ang akusasyon ni Manang Imee sa kanyang Pangulo na kapatid.

Hindi namang kaila na pinabulaanan mismo ng Pangulo ang pahayag ng kanyang kapatid.

Nagbunga na rin ng matinding pagkahati-hati rito ng mga naniniwala at sumusuporta sa magkabilang panig, kasama ang matataas na lider ng bansa.

Kung saan hahantong ito, panahon lang ang makapagsasabi.

KUMALAT SA BUONG MUNDO

Ang paghahayag ni Manang Imee sa Pilipino ng kanyang mensahe ay nagbunga ng mga awtomatikong reaksyon mula sa daan-daang libong naroon sa okasyon at maging sa lahat ng Pinoy sa loob at labas ng bansa.

Hindi nila kinailangan ang pagsasaling-wika o interpretasyon.

Tumagos sa puso ng mga Filipino ang mensahe na inihatid ng INCTV at maging ng mga dayuhang pamahayagan na atin nang binanggit kahapon sa pitak ding ito.

Nakarating rin ang balita hindi lang sa mga ating mga overseas Filipino wokers kundi sa mga banyaga ang balita sa sarili nilang mga lengguwahe rin sa Asya, Amerika, Europa, Middle East at Africa.

SAAN NGA TAYO PATUTUNGO?

Hindi ordinaryong witness o saksi si Manang Imee ukol sa droga ng kanyang kapatid dahil miyembro ito ng pamilya ng Pangulo.

Kung higit na totoo kaysa kasinungalingan ang kanyang pahayag, saan tayo patutungo bilang bansa?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here