KUWAIT, Kuwait – Tinamaan ng drone attacks ang Mina Al-Ahmadi oil refinery sa Kuwait noong Biyernes, na nagdulot ng ilang sunog ngunit walang nasawi, ayon sa state media.
Sinabi ng Kuwait News Agency na “the Mina Al-Ahmadi refinery… was subjected early today to several hostile drone attacks, causing fires in some of its units,” at ilang bahagi ng refinery ang pansamantalang isinara.
Ayon sa Kuwaiti army, dalawang drone ang tumama sa isang unit ng refinery, ngunit agad itong naapula ng mga awtoridad.
Kinumpirma rin na walang nasaktan sa insidente. RNT/MND