MANILA, Philippines- Nabuwag ng mga awtoridad ang isang hinihinalang drug den at naaresto ang tatlong (3) high-value targets matapos ang matagumpay na operasyon ng PDEA RO BARMM – Basilan Provincial Office, kasama ang Lamitan City Police Station, 18th Infantry Battalion ng Philippine Army, 1st Provincial Mobile Force Company, RMFB 14–Basilan, at Philippine Coast Guard sa buy-bust operation noong Abril 8, 2025 sa Sitio Veterans, Brgy. Maganda, Lamitan City, Basilan.
Kinilala ni PDEA Director Gil Cessrio P. Castro ang mga suspek bilang sina alyas “Ricky” (operator ng drug den), 49; alyas “Jong,” 51; at alyas “Micco,” 33 — pawang residente ng lugar.
Nabatid sa PDEA na narekober sa operasyon ang 14 pakete ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 6 gramo na may halagang ₱40,800, buy-bust money, drug paraphernalia, at isang cellphone.
Kaugnay nito, nagpahayag ng pasasalamat si Director Castro sa LGU ng Lamitan sa pangunguna ni Mayor Orick Furigay at sa mga katuwang na ahensya sa patuloy na suporta sa kampanya kontra droga.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Santi Celario