MANILA, Philippines – Binuwag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang makeshift drug den at kinumpiska ang mahigit P100,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Olongapo City nitong Biyernes, Agosto 9.
Iniulat ng PDEA Region 3 nitong Sabado na inaresto ng kanilang mga ahente at local police ang pitong indibidwal sa kanilang target list sa operasyon sa Barangay Kalalake sa Olongapo City bandang 7:20 ng gabi.
Nasamsam sa mga suspek ang kabuuang walong piraso ng plastic transparent sachets na naglalaman ng mahigit 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000.
Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC