Home NATIONWIDE Bong Go umayuda sa TESDA grads, PDLs sa Surigao

Bong Go umayuda sa TESDA grads, PDLs sa Surigao

MANILA, Philippines – Namahagi ng karagdagang suporta ang Malasakit Team ni Senator Christopher “Bong” Go sa mga nagsipagtapos sa TESDA at sa persons deprived of liberty (PDL) sa Surigao City.

“Hindi biro ang kanilang pinagdadaanan, kaya naman patuloy tayong magbibigay ng suporta para sa kanilang muling pagbangon,” sabi ni Go sa kanyang video message.

Sa suporta ni Go at sa pakikipagtulungan ni Mayor Paul Dumlao, in-orient ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga kwalipikadong tatanggap ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.

Pinuri ng senador ang DOLE sa proactive approach nito sa pagtugon sa mga hamon na kinakaharap ng mga disadvantaged at displaced workers.

Ang TUPAD program, na pinasimulan ng DOLE at patuloy na sinusuportado ni Go, ay naglalayong bigyan ng kagyat na trabaho at oportunidad sa kabuhayan ang mga nawalan ng trabaho o pinagkakakitaan dahil sa mga krisis.

Bilang isang mambabatas, inihain ni Go ang Senate Bill No. 420, na nagsusulong ng pagtatatag ng isang sistema upang magbigay ng short-term employment opportunities sa mga elligible individual mula sa mahihirap na sambahayan sa kanayunan.

Sa ilalim ng iminungkahing batas, ang Rural Employment Assistance Program (REAP) ay itatatag upang magbigay ng temporary employment options sa mga indibidwal na kwalipikado batay sa pamantayan tulad ng economic hardship, poverty, displacement, o seasonal employment.

Para naman mas mapagaan ang pinansiyal na pasanin ng mga pamilyang Pilipino, co-author at co-sponsor din si Go ng SBN 2534 na magtataas sa daily minimum wage ng P100 sa buong bansa.

Idinaos sa Livelihood Training and Productivity Center para sa 40 TESDA graduates, at sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) City Jail sa Barangay Silop para sa 35 PDLs, namahagi ang Malasakit Team ni Go ng iba’t ibang ayuda. Binigyan din ang ilan ng mobile phone.

Bilang tagapangulo ng Senate committee on health, nagpaabot si Go ng tulong sa mga apektadong residente na kailangan ng tulong medikal. Hinimok dila sila ng senador na gamitin ang serbisyo ng Malasakit Center sa lungsod sa Caraga Regional Hospital at sa Siargao Island Medical Center sa Dapa.

Si Go ang pangunahing may-akda at sponsor ng Republic Act No. 11463 o ang Malasakit Centers Act of 2019, na nag-institutionalize sa Malasakit Centers program.

Sa kasalukuyan, 166 Malasakit Centers ang gumagana sa buong bansa at nasa mahigit- kumulang sampung milyong Pilipino na ang natulungan nito. RNT