Home NATIONWIDE Disaster risk management plan sa heritage assets isinusulong

Disaster risk management plan sa heritage assets isinusulong

MANILA, Philippines – Nanawagan ang conservator ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa mga ahensya ng pamahalaan, local government units at iba pang institusyon na maghanda ng isang disaster risk management plan para sa mga heritage sites at assets.

Inihayag ni Richard Baula ng NHCP Materials Research Conservation Division ang kahalagahan ng disaster risk reduction sa konserbasyon hindi lamang ng mga historical building kundi maging ng mga dokumento, larawan at iba pang gamit na may historical value o mga sumasalamin sa tradisyon, na maaaring masira o mawala sa kasagsagan ng isang kalamidad.

“The concept of disaster management in the cultural sector is relatively new even in other countries that have seen the need for its integration in disaster preparedness to protect heritage properties,” sinabi ni Baula sa isang panayam.

“Some sectors are proposing to give proper recognition of the cultural sector, including the tourism sector, in disaster management laws because these are significant drivers of the economy.”

Ani Baula, kailangang mag-adopt ng mga institusyon ng three-phase disaster management plan na ipatutupad bago, kasalukuyan at matapos ang isang kalamidad.

Ang pagtukoy sa mga banta bago ang kalamidad ay nagdudulot ng prevention at mitigation, na mas mura kaysa sa restoration work kapag nasira ang isang heritage objects na binaha o nilindol.

Sa oras na matukoy ang risk sa mga kagamitan, ihahanda naman ang pagtugon para rito.

Kabilang sa halimbawa ay ang vulnerable heritage structures na kailangang mapatibay, at mga artifact na dapat maingatan mula sa mga mapanganib na elemento, katulad ng ulan, kemikal, kalikasan at mga peste.

Iginiit ni Baula na sa kasagsagan ng kalamidad, ang kaligtasan ng tao ang pinaka-importante bago ang mga heritage objects.

Sa pagkakataon naman na maililigtas ang mga artifact, dapat ding obserbahan ang tamang pagdadala ng mga ito at paglilipat patungo sa mga ligtas na storage places.

Karaniwan umanong mas lumalaki pa ang pinsala ng mga kagamitan sa hindi tamang paghawak sa mga ito.

Ito ang dahilan kung bakit umano nakatutok ang NHCP sa preventive conservation.

“Mitigation or having less damage to a structure or an object is less costly than restoration as the latter requires funding, specific skills, and expertise,” aniya.

Makatutulong din ang pagtutok sa mga weather advisories upang makapaghanda ang heritage workers sa mga posibleng kalamidad.

“It is also important to have a floor plan or layout of the heritage objects for easy evacuation during disasters. Post-disaster measures include damage assessment, recommendations for restoration, fund sourcing, and bringing in highly skilled conservation experts,” sinabi pa ni Baula. RNT/JGC